Setyembre 1 idineklarang holiday para sa Eid'l Adha

MANILA, Philippines – Walang pasok sa eskwela at trabaho sa Biyernes, Setyembre 1, para sa pagdiriwang ng Eid’l Adha ng mga Muslim.

Sa Proclamation No. 297 ni Pangulong Rodrigo Duterte, idineklarang regular holiday ang isa sa dalawang “greatest feasts” ng Islam.

Idineklara ito alinsunod sa Republic Act. 9849 at base na rin sa deklarasyon ng gobyerno ng Kingdom of Saudi Arabia at rekomendasyon National Commission on Muslim Filipinos.

Nilagdaan ni Executive Secretary Salvador Medialdea ang kautusan.

- (Pilipino Star Ngayon) 



0 Comments

Curated for You

Popular

Top Contributors more

Latest blog