Araw ng mga Bayani

Ayon sa Wikifilipinas.orgAng Araw ng mga Pambansang Bayani ay hango sa Republic Act No. 3827 na ipinasa ng Philippine Legislature noong ika-28 ng Oktubre, taong 1931.

Sa kasaysayan ng [Pilipinas], maraming mga bayani ang nagtangkang ipaglaban ang bansa ayon sa kanilang nalalamang kakayahan. Isa sa mga pinakapopular ay si Dr. [Jose Rizal]. Siya ay idineklara ng mga Amerikano sa pangunguna ni Gobernador William Howard Taft bilang pambansang bayani. Ilan pa sa mga sikat na bayani ay sina Andres BonifacioApolinario MabiniMagat SalamatDiego SilangFrancisco DagohoyLapu-lapuRajah Soliman at Tamblot.

Bukod sa kanila, binibigyang karangalan din ang mga lumaban sa ngalan ng kalayaan ng Pilipinas ngunit hindi gaanong nakilala sa kasaysayan tulad nina Amam Dangat ng [Batanes] noong ika-18 siglo. Kasama na rin dito si Datu Akadir na siyang nakipaglaban sa mga Espanyol dahil sa pananakop sa Lanao noong huling 19 siglo at si Diego de la Viña na siyang nagbuo ng kanyang sariling hukbo sa Negros Oriental upang labanan ang mga Espanyol.

Bakit nga ba mahalagang ipagdiwang natin ang Araw ng mga Bayani? Mayroon pa bang Bayani sa panahon natin ngayon? Sa panahon ng tinatawag na "Millenials"? Sa tuwing dumarating ang araw na ito, anong pumapasok sa isip nyo? 

Balita ngayon sa buong mundo ang nangyayaring gyera sa pagitan ng tropa ng ating mga kasundaluhan laban sa grupo na tinatawag nilang "Maute-ISIS group". Araw araw nating nasasaksihan sa mga pahayagan, radyo, telebisyon at maging sa Social Media ang nangyayaring kaganapan sa Marawi City sa Mindanao. Nakakalungkot isipin na sa isang iglap nawasak ang siyudad ng Marawi dahil lamang sa isang grupo. Marami ang nagulat sa pangyayaring ito maging ang buong mundo. Maraming sundalo na rin ang namatay at nasugatan maging sa panig din ng grupong Maute. Maraming buhay na rin ang nasira dahil sa gyerang ito. Pero isa lang naman ang mapapansin natin sa gyerang ito sa Marawi, may "pinaglalaban" sila. At kung anuman yun ay hindi natin lubos maintindihan. 

Ang gyera noon sa panahon ng ating mga bayani ay magkaibang magkaiba sa panahon natin ngayon. Kung dati mga dayuhan ang kalaban natin upang makamtan lamang ang "pinaglalaban" na kapayapaan, sa ngayon hindi na. Kapwa Pilipino na ang naglalaban. Isang malaking dagok para sa atin yun, na kapwa natin mismo ang naglalaban sa sarili nating bansa. 

Nakamamangha ang ginawang paglaban ng ating mga bayani sa panahon ng mga Kastila noon. Pero sa ngayon isang masakit na pakikipaglaban ang ginagawa ng ating mga bayani sa ngayon. Kapwa Pilipino para sa kapwa Pilipino, Lahi laban sa kapwa Lahi. Maraming nasasayang na buhay sa giyerang ito sa Marawi. Ang tanging magagawa na lang talaga natin ay magdasal sa Panginoon na sana ay matigil na ito at sana ay makamit na ng Marawi ang Kapayapaan sa kanilang lugar.

Ngayong Araw ng mga Bayani, isang pagpupugay mula sa mga ka-sundaluhan nating patuloy na ipinaglalaban ang Marawi para sa Kapayapaan. Mabuhay po kayo Sir! Saludo po kami sa inyo. Naway makamtan na natin ang Kapayapaan.


91 Comments

Curated for You

Popular

Top Contributors more

Latest blog