10 Hakbang Upang Makaipon

  1. 1.Baguhin ang iyong nakaugalian, kung kaya mo ngang mag-ipon para makabili ng bagong gadgets bakit hindi mo pag-ipunan ang para sa Future mo o kaya para sa pagnenegosyo

  2. 2.Sundin lamang ang formulang ito SAHOD-IPON=GASTOS. Kadalasan kasi nating gawin kapag tayo ay sumasahod ang ganito: SAHOD-GASTOS=IPON. Kaya dumarating sa punto na wala tayong naiipon.


  3. 3.Magkaroon ng 2 Bank accounts, isa para sa Savings at isa para sa Emergency Fund. Mahalagang may emergency fund din tayo upang kapag tayo ay nagipit meron tayong madudukot. Kung maaari ay iinvest ang pera mo upang lumago.

  4. 4.Iwasan ang bumili ng mga abubot na hindi naman kelangan tulad ng damit, Cellphone at ibat ibang luho. Bumili lang kung kinakailangan.

  5. 5.Kung may bisyo, aba ay mag-isip isip na habang maaga pa. Hindi mo naman kelangan alisin ng biglaan pwede namang matanggal yan ng dahan dahan lang :D

  6. 6.Gumawa ng budget para sa sarili. Kung maari magkaroon ka ng listahan ng iyong mga ginagastos sa araw-araw upang mamonitor mo ang lahat ng gastos mo. Mainam na ilaan mo ang 20% mula sa sahod mo sa Savings, 10% sa Emergency Fund upang ang natitirang porsyento ng sahod mo ay ma-budget mo Kung kulangin ka man nasa sayo na yun. Baka may problema ka sa gastos.


  7. 7.Iwasan ang umutang. Tandaan mo may dalwang uri ng utang: Good debt at Bad Debt. Ang good debt ay yung umutang ka ngunit gagamitin mo ang inutang mo para palaguin ito tulad ng pagnenegosyo. Ang bad debt naman ay yung umutang ka ngunit ginamit mo lang ito sa sarili mong kasiyahan tulad ng pagpapaparty. Ok lang namang maging masaya paminsan minsan ngunit dapat ding ilugar.


  8. 8.Dapat alam mo kung para saan gagamitin ang Savings mo kung para ba ito sa pagtanda mo o sa negosyo o kaya para sa pamilya mo.

  9. 9.Magkaroon ng disiplina sa sarili sa paggamit ng pera upang maiwasan ang mabaun sa utang.

  10. 10. Regular na gawin ang pag-iipon upang pagdating ng araw mayroon kang magagamit sa future mo.



2 Comments

Curated for You

Popular

Top Contributors more

Latest blog